GISING!!!
Ang bawat nilalang ay may minimithing maabot sa kanyang buhay. Minsan sa aking buhay pinangarap kong maging isang militar o isang abogado. Ngunit dala ng kahirapan sa buhay at dahil lima kaming mga munting anghel na kailangang suportahan ng aming mga magulang, pinili kong maging working student at tapusin ang kursong Bachelor of Secondary Education sa isang kilalang pamantasan sa lungsod ng Angeles, Pampanga.
Ang bawat nilalang ay may minimithing maabot sa kanyang buhay. Minsan sa aking buhay pinangarap kong maging isang militar o isang abogado. Ngunit dala ng kahirapan sa buhay at dahil lima kaming mga munting anghel na kailangang suportahan ng aming mga magulang, pinili kong maging working student at tapusin ang kursong Bachelor of Secondary Education sa isang kilalang pamantasan sa lungsod ng Angeles, Pampanga.
Ako ay nakapagturo ng tatlong taon sa isang pribadong paaralan sa Angeles, tatlong taong nagturo ng akademya at istilo ng pag-awit sa mga filipinang ninais maging entertainer sa Japan, isang taong naging Production Manager sa isang Entertainment Group na nag-oorganisa ng mga fashion shows at product launching.
Sa ngayon ako ay kabilang sa isang grupo ng mga Filipino at Hapones na nangangalakal ng produkto upang ibenta sa bansang Japan at U.S.A.
Ang ating bansa ay kasalukuyang nahaharap sa napakaraming mga issues na pampulitika, ekonomiya, atbp. Paano nga bang ang isang tipikal na mamamayan na katulad ko ay makatulong sa ating bansa lalo't ngayon na tumataas na ang value ng peso laban sa dolyar. Natatandaan kong naibahagi ng isang kaibigan sa akin ang kanyang kasagutang "if we Filipinos pay our taxes religiously to our government, in a way we can help uplift our country". Sa ating mga may magandang hangad para sa ating bansa, ito ay napakasimpleng gawin hindi po ba? Ngunit ang katanungan ko ay ganito, sa bawat sentimo na ating ibinibigay sa ating gobyerno na ating pinagpapaguran, dugo't pawis ang ating puhunan, ito ba ay nakakarating sa ating Inang Bayan? Siya ba ang nakikinabang nito upang mapalago ang ating bansa at ekonomiya? Sinu-sino ang nakikinabang dito sa ating mga buwis na pinipilit nating bayaran ng matapat upang sa gayo'y maranasan ng ating mga supling ang buhay na masagana sa kanilang bansang sinilangan at hindi na mapilitang mangibang bansa upang doon ay magpa-alipin at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay?
Pinangarap kong maging militar upang ipagtanggol ang ating bayan. Pinangarap kong maging abogado upang ipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayang naghihikahos nang dahil sa kabuktutan ng ibang kapwa natin mga Filipino. Bawat isa ay may mga pangarap at malinis na hangarin...Ngunit anong sapat ng lakas mayroon ang isang nilalang kung ang salitang PAGKAKAISA ay nalimutan na at ibinaon ng karamihan sa ating mga kababayan kasabay ng paglimot natin sa tunay na kahulugan ng EDSA REVOLUTION 1?
Gumising ka JUAN dela CRUZ! Kailangan ka ng ating Inang Bayan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home