SCRIBBLING is a blog written for the blogger to express her innermost thoughts with no intention to hurt anyone's beliefs or individuality... for these are all... mY tHougHtS...

Wednesday, June 28, 2006

I LOVE YOU MOMMY

MOMMY... Hiram na salita na di ko kailanman ikahihiya. Marahil hindi man siya ang nagsilang sa akin ngunit sa maikling panahon na aming pinagsaluhan, batid kong kami'y nagmamahalan. Ina ng isang kaibigan, ngunit kung ako'y ituring higit pa sa isang sanggol na galing sa kanyang sinapupunan. Paano ko nga ba maipaaabot itong damdaming puno ng kasiyahan? Paano nga ba maipadadama gayong kay layo niya? Kable ng telepono ang tanging nag-uugnay, gayunpaman, sapat ng marinig na siya'y malayo sa kapahamakan. Mommy, damhin mo ang aking munting paraan at nawa'y di kaliligtaan na kailanma'y 'di kita malilimutan.

Name:
Location: Philippines

Passionate yet sensitive.