SCRIBBLING is a blog written for the blogger to express her innermost thoughts with no intention to hurt anyone's beliefs or individuality... for these are all... mY tHougHtS...

Saturday, July 14, 2007

PAGLISAN

Isang dapithapon, isang buko ng rosas ang nakita
Bumukadkad na may angking ganda at halina
Kariktang sa marami'y nag-aanyaya
At nag-iwan ng alaala sa madla.

Nagmistulang mariposa
Lumipad ng kaaya-aya
Naghangad ng buhay na masagana
Ngunit pakpak ay nababali sa tuwi-tuwina.

Maituturing na punong kay tatag
Ngunit hinahampas ng malakas na hanging lagalag
Mga sanga'y nababali, nababagabag
Umiiyak at sumisigaw ng habag

Tuluyang nalugmok at nanghina
Isang nilalang na lumuluha
Ninais maging agila
Lumipad ng matayog malayo sa kanila.

When all I feel is emptiness in my heart...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Name:
Location: Philippines

Passionate yet sensitive.