SCRIBBLING is a blog written for the blogger to express her innermost thoughts with no intention to hurt anyone's beliefs or individuality... for these are all... mY tHougHtS...

Thursday, August 02, 2007

PAG-ASA
Blackhawk’s baby 07-27-07

Sinong nilalang ang di nakararanas
Ng mga pagsubok at paghampas?
Ubusing lahat itong taglay na lakas
Munting kidlat sa iyo’y magpapabagsak.

Puso ma’y nagdaramdam
Isipa’y nagugulumihanan
Hangad and ulang paparam
Sa bawat unos at agam-agam.

Bukang liwayway, hatid ay pag-asa
sa bawat patak nyaring mga luha.
Simbuyo ng damdaming balisa
Awit ng anghel sa aki’y magbibigay sigla.

Name:
Location: Philippines

Passionate yet sensitive.